Kaibigan na naging Magka-ibigan
Noong una kang makilala mundo ko’y
nag-iba
Binigyan mo ng kulay at pinunan mo ng
saya
Sa bawat araw na ika’y aking kasama,
Puno ng kaligayahan aking nadarama.
Nagsimula sa barkadahan
Hanggang sa maging matalik na
magkaibigan
Sa lahat ng pagkakataon lagi kang
nandiyan
Na kahit ano mang oras ay aking masasandalan.
Hanggang isang araw,biglang nag-iba
Nagseselos ako kapag may kasama kang iba
Gusto ko atensyon mo sakin lamang napupunta
Yun pala di ko namamalayan ako sayo'y nahuhulog na pala.
Pero isang araw ika'y nagtapat sakin
Na ikaw sakin ay may lihim na pagtingin
Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin
Ika'y aking niyakap sapagkat natupad na aking mithiin.
Nang di lumaon ay naging tayo rin
Laking tuwa ng ika'y napasakin
Puno ng pagmamahalan at kaligayahan
Sana itong pag-iibigan natin ay maging wala ng hangganan.